Pangarap
Makailang beses mo na nga bang subok ito?
Dalawa? Tatlo? Lima? Hindi eh.
Sa pagkakatanda ko, higit pa sa bilang ng aking mga daliri.
Bakit nga ba mahirap? Ay, hindi ulit.
Bakit nga ba sobrang hirap?
Kailan nga ba ang huling sulat na iyong nabuo?
Kung kailan, hindi ko na matandaan!
Sana naman ngayon iyo ng mapagtagumpayan.
Isa lang naman di ba ngunit bakit parang sobrang komplikado?
Bakit di mo kayang tapusin hanggang sa dulo?
Bakit paulit-ulit mong tinatanong kung bakit?
Alam mo sa sarili mo kung ano dahilan!
Pagsubok lang yon, pangarap mo nakataya dito.
Hahayaan mo bang maging gano’n nalang ang katapusan?
Susukuan mo na ba ang noon mo pang pinaglalaban?